Tuesday, July 5, 2011

Beach Run

Nagbakasyon lang po ako ng kaunti sa Boracay. Sa tatlong gabi na pag-stay ko dun, tumakbo ako ng dalawang hindi magkasunod na hapon.

Around 4 kms ang stretch ng beach sa Boracay. Nako-cover ko siya ng isang oras balikan. Gamit ko pa rin ang aking Presto dahil wala pa akong bagong sapatos.

photo from http://www.destateparks.com

Lumulubog nga lang ang paa ko kapag medyo buhaghag ang sand. Ang natutunan kong technique e ang pagpili sa medyo wet na sand para hindi lumubog ang steps. Dapat din na mas malakas ang sipa mo sa sand kung gusto mo na mas bumilis pa.

Syempre, dapat may dala ka pa rin na pang-hydrate mo. Hindi pwede inumin ang tubig alat.

Hindi rin advisable na dumiretso sa dagat pagkatapos ng takbo mo. Mababasa kasi ang pera at cellphone mo pag ginawa mo yun.