Thursday, June 2, 2011

Cheat Week

Ano ba yan, kakasimula lang ng blog, cheat week kagad ang pag-uusapan.

Cheat Week ang tawag sa isang linggo na pahinga. Ginagawa ito ng mga runners para makaiwas sa injury. Matapos ang isang malupit na takbuhan at mga recovery run, ginagawa ang cheat week para maipahinga ang stressed na katawan.

http://fitnotesfromdani.blogspot.com/

Ayon sa isang pananaliksik na ginawa sa kwarto ko, mas mabuti ang pagpapahinga para hindi ka kapusin ng pera at panahon. Sa cheat week mo lang kasi magagawa ang mga dati mo nang ginagawa tulad ng pag-indulge sa pagkain, alak, yosi at pagsusulat sa blog mo. Gayundin ang pag-attend sa blog events, birthday parties, outreach programs at pag-celebrate ng sarili mong birthday.

Naka Cheat Week ako ngayon. By next week starting Tuesday, babalik ako sa takbuhan in preparation of another 21k run. Hindi ko pa alam kung kelan ako tatakbo ng 21k na kasunod pero yun ang nasa timeline ko.

Pero ngayon, cheat week muna. Birthday ko naman last Tuesday e. Pagbigyan niyo na ako.

No comments:

Post a Comment