Wednesday, June 8, 2011

Solo Run

Solo run na naman siguro ako mamaya.

Pag solo run ako, tumatakbo na lang ako papunta ng Bonifacio Global City at pabalik ng Makati Med. May 10km distance din yun pero hindi ko lang sure. Nako-cover ko naman siya ng 1.5 hours. Pero kapag marami akong tinatawagan at tine-text habang tumatakbo, umaabot ako ng 2 hours.

Ginagawa ko ang solo run na ito kapag pagod na ang utak ko pero hindi pa pagod ang katawan ko. Although nakakalungkot mag solo run, kailangan ko ito gawin para sa aking personal training.


Isang water bottle din ang baon ko. May dala pa akong cellphone in case magka-emergency at coin purse pambili ng kung anu-ano. Kadalasan, hindi ko nauubos ang baon kong tubig. Pero napapabili ako ng energy drink pag nakadaan ako ng 7-11.

Mamaya, magso-solo run na naman ako. Iku-kundisyon ko ang sarili ko. Kahit pa siguro umulan, tatakbo pa rin ako. Naka-vitamins naman ako e.

Kita-kits na lang sa field. Magtraining na rin kayo!

No comments:

Post a Comment