Wednesday, June 15, 2011

Trio Run

Kung mayroon tayong Solo Run, mayroon din tayong group run.

Masaya tumakbo nang may kasama. Bukod sa may ka-pace ka, may magpu-push pa sayo pag di mo na kaya.

Southern Treaders, yan ang team namin. Pero kapag normal na araw, hindi kami tumatakbo buong team. Kagaya nung kagabi; ako, si badong, at si Bulalo Runner Dave lang ang tumakbo sa BGC.



Papalit-palit kami ng pwesto. Minsan, may mauuna. Kadalasan naman, tabi-tabi kami sa pagtakbo. Basta walang iwanan. Hindi kami tumatakbo na mauuna yung isa.

Althroughout the run, diretso sa kwentuhan. Kung anu-ano pinag-uusapan namin; Muay Thai, pagkain, cellphone, fliptop, kanta, birthday, alak, at syempre ang paborito kong topic: CHICKS! Nagtatanungan pa nga kami tungkol sa panliligaw technics at kung dapat na ba magpropose ng panliligaw si Badong.

Sobrang sarap talaga tumakbo nang may kasama. Tuwing Tuesdays at Thursdays ang takbo ko, so pag available sila, sama-sama na!

No comments:

Post a Comment